Magkakaroon ng bagong hitsura ang Department of Consumer Affairs (DCA) ng California sa 2023.
Sa Enero 3, 2023, magkakaroon ng bagong logo ang Department of Consumer Affairs (DCA) ng California.
Ang bagong logo ng DCA ay kumakatawan sa susunod na kabanata at hinaharap ng Departamento, kasama ng isang bagong estratehikong plano.
Ang misyon at mga priyoridad ng Departamento ay patuloy na nakabatay sa pangangalaga sa konsumidor. Nagtataguyod ang DCA ng mataas na pamantayan para sa sarili nito bilang isang entidad na naglilisensya, nagkokontrol, nagtuturo, at nagkakaloob ng serbisyo.
Ang paggamit ng bagong logo ay ipapatupad sa iba't ibang yugto sa buong 2023. Sa panahon ng paglipat na ito sa bagong logo, may bisa pa rin ang mga dati nang bagay na nagtataglay ng naunang logo ng DCA at hindi kailangang palitan o i-update. Inaasahang abutin ng isang taon ang buong proseso ng paglilipat.
Magsisimulang makita ng ilang binibigyan ng lisensya ang bagong logo sa mga dokumento ng paglilisensya nang mas maaga kaysa sa iba sa buong proseso ng paglilipat sa bagong logo sa taong 2023. Kung may mga katanungan ang mga indibidwal tungkol sa mga komunikasyon na nagtataglay ng bagong logo sa hinaharap o kailangang patunayan ang opisyal na komunikasyon, mangyaring makipag-ugnay lamang.
- Upang makipag-ugnay sa isang partikular na lupon o kawanihan, bumisita sa: https://www.dca.ca.gov/about_us/entities.shtml
- Upang kontakin ang DCA Consumer Information Center, tumawag sa: 800-952-5210 o mag-email sa dca@dca.ca.gov.
Tungkol sa Bagong Logo
Habang ipinapakita ang mga opisyal na kulay ng ating estado, kasama sa hitsura ng bagong logo ang vision ng Departamento—magkasamang pinoprotektahan ang mga konsumidor ng California:
- Panangga—Kumakatawan ang panangga sa matibay at pangmatagalang mandato ng Departamento na proteksyonan ang mga konsumidor.
- Estado—Kumakatawan ang estado sa lahat ng 40 milyong taga-California na pinangakuan at ikinararangal ng Departamento na paglingkuran.
- Bituin—Kumakatawan ang bituin sa proteksyon sa konsumidor bilang tunay na gumagabay na prinsipyo ng Departamento: ang sarili nitong North Star.